10/19/15

An Open Letter To (AKA 3 Simple Things) 'It's Showtime' & ABS-CBN (Can Learn From Eat Bulaga)



Anyone else notice Yaya Dub's absence in the Chicken ala King McDo Commercial shown in ABS-CBN? 



Alden's there but Maine isn't.

ABS-CBN is that paranoid much? They don't want to remind viewers of their afternoon ratings loss and that all their manufactured loveteams are no match to a random reel loveteam? ABS-CBN is taking #Aldub very seriously?

Seriously?

Why would anyone feel threatened by a dubsmashing househelp? Can't a big-ass network just enjoy the ride just like everyone else?

ABS-CBN:  No we can't. We have to have everything. We want to win in everything. We want it all.

A-ha! And that's why you're "losing."

You can't have everything. What's fun about having everything?

ABS-CBN:  Money.

Money can buy anything but not peace of mind. And if you want to win, you first need to be at peace with losing.

ABS-CBN: Fuck you.

Fuck you too.


Dear ABS-CBN and "It's Showtime":

Kayo ba ay nalolongkot? Di makatolog?

'Wag mag-alala. Ang nararanasan nyo ngayon ay normal sa mga nilalang na pakiramdam ay sila ay talunan. Hindi kayo talo, tingin nyo lang `yun.

Tingin ny'o lang talo kayo kasi gusto nyo lagi kayo nananalo. Ba't? Kelangan ba laging may panalo at talo? Sino may sabi n'un? Sapakin nyo. Advertisers ba kamo? E di kung ganun, talo nga naman kayo.

Pero kasi naman.

`Pag lagi nyo iniisip ano iisipin ng advertisers, pramis, di kayo makakaisip.

1   Wag isip ng isip


Tingin n`yo planado ng Eat Bulaga magka-25M Tweets? Ang hirap kaya  planuhin n`un. Pag pinitch mo `yun sa mga boss, sasabihin sa`yo, shunga ka. Saka para ka na ring kumuha ng martilyong ipupukpuk sa sarili mo. Pano mo naman kasi magagawa yun? Hindi mo magagawa `yun. Ang mga tao lang kusa makakagawa nun. Kusa ha! Hindi `yung binayaran o in-assign para mag-tweet.

O, aminin!

Tingin nyo may nag-pitch sa isang creative meeting na gawing loveteam si Alden at Yaya Dub?

Pwede. Pero sabi ng Eat Bulaga, hindi raw. Kusa daw `yun lumabas. Pati `yung original reaction ni Yaya nung unang nakita si Pogi. Hinayaan lang nila at di nila alam magiging reaksyon ni Yaya. Nung bigla nag pabebe-wave. Yun na!




Di rin nila inasahan magiging reaksyon ng tao. Kaya nag-go with the flow na lang sila.

Kayo kasi, pa pitch-kayo ng pa-pitch ng "magandang" idea, eh binabaril nyo naman yung idea limang segundo pagkatapos lumabas sa bibig nung nag-pitch.

Naghahanap kayo ng bagong idea, takot naman kayo sa bago. Ginagamit nyo pa rin yung luma.. Ba't, kasi tried & tested na? Kasi nag-rate na kaya gamitin na lang ulit? Recycle much ? Parang basura lang?

Kahit 25 milyong beses kayo mag-isip, hindi nyo malalaman kung anong gusto at magugustuhan ng tao? Eh mga tao nga di nila alam ano gusto nila,

Kayo? Alam nyo ba gusto nyo? Bukod sa pera op kors.

Suntok sa buwan lang lahat yan.

Ang henyong gawain kasi ng Eat Bulaga, hinahayaan kasi nilang magkamali sila.

Subok dito, subok doon hanggang mag-work. Pag hindi, eh di mistake.

Try ulit.

Pero kasi `yun ang punto.

HAYAAN nyo kasi.  Wag trying hard. Chill lang.


Kayo, pag di nag-work ng isang beses, palit agad.

Pag nag-wowork tapos may nakita kayong bago na ginagawa ng iba, aalisin nyo yung nag-wo-work at gagayahin yung ginagawa ng iba.

Kung ganyan kayo ng ganyan, may forever nga. Forever na lang kayong maghahabol at hahabulin ang gusto ng tao. At maski umabot ng forever, hindi nyo ito mahuhuli.



2 Inookray nila sarili nila, eh kayo?

Buti na lang walang sinasanto ang TVJ. Actually, meron naman. Eto `yung mga makakaapekto sa ratings nila at sa mga  tingin ng tao sa kanila, e.g. MTRCB,simbahan, etc. Pero dati, wala.

Kung magpa-iyak ng bata sina Vic & Joey sa Little Miss Philippines, no-holds-barred. Napapansin ng iilan, napapa-dyaryo ng konti pero walang na-ce-censor o napapatawag sa MTRCB. Wala kasing paki pa ang mga tao noon.

Iba na ngayon.

Kaya mild na mang-api si Bossing Vic ng mga bata ngayon. E.g. Di na sya nambubuga ng tubig sa mukha ng bata. Di na sya nagpapa-iyak ng bata. Pati pang-aasar niya mahinahon na rin.

Pero nandyan pa rin pang-ookray at pang-aasar nila sa kapwa nila hosts at pati sa show. May subversiveness pa rin, mild na nga lang.

Pati sila, ginagago nila sarili nila. Hindi nila masyado sinisiryoso sarili nila.

Kung may pangit sa show, sinasabi nina TVJ na parang di sila taga Eat Bulaga. Hanep.


3  Alamin nyo kasi pulso ng tao - hindi yung nag-a-assume kayo

Eto problema nyo.: dahil alam nyo wala kayo alam sa gusto ng tao, nag-a-assume kayo. Assume kayo ng assume.

Alam nyo sabi sa mga tao na nag-a-assume? It makes an ASS out of U and ME.

Parang ganto kayo magisip kasi:

"Achuchuchu achuchchu achuchuchu -- o diba? Magugustuhan yan kasi sumikat yung achuchu chu di ba? So gawa din tayo ng achuchuchu. Ibahin lang natin, gawin nating achuchachacha. Parang ganun pero hindi. Tapos pilitin nating gawin na parang may kilig din. Gusto nila ng nakakakilig? O di bigyan ng kilig."



Yan napapala ng kakaisip nyo.

Nganga.



Malalaman nyo lang pulso ng tao kapag......ahhhhh......siguro........ehhh.......ewan.

Eat Bulaga nga di alam, kayo pa. Sa tagal na nila, may talino at karanasan na sila para aminin na wala silang alam. Suntok sa buwan lang.

Sumuntok na rin kayo.






ShareThis

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Share

 

Total Pageviews

Search

Resources

Site Info

CheezMiss Copyright © 2009 Blogger Template Designed by Bie Blogger Template