Moral Lesson #1:
True Love means not having to say:
Kelangan kita.
I want to always be with you;
I can't live without you;
I want to have you;
Sakin ka lang.
Ang love-love-an nagdo-domina.
Si Gary, sinasabing mahal niya si Alvira pero ang intensyon niya talaga i-exploit, abusuhin, gamitin, dominahin siya.
Para kay Gary ganun ang pagkakaintindi niya sa love, wala ng iba. Ang love sa kanya laging may kapalit. Sa tingin nya, tama sya. Yung iba, mali. Yung sumasalungat sa sa kanya nagiging kalaban at kaaway na kelangang iligpit.
Bibigay niya kay Alvira ang lahat: pera, bahay, magandang buhay, pero feeling niya:
"Sakin ka lang kasi wala akong pakielam kung masaya ka, ang importante, ako ang masaya."
Ganun din sya kay Clara, ang pinain naman niya sa anak nya: pera at pagkakaroon ng buong pamilya na kasama si Alvira.
Pero just the same, di niya talaga mahal anak niya. Di niya kayang mag-mahal ng kahit sino.
Ang tingin niya sa lahat ng tao ay mga bagay lang na pwedeng i-manipula para magawa at gawin ang gusto niya. Kaya siya sadista.
At ang mga tao - para sa kanya - mapagkukunan lang ng supply - salapi man eto, atensyon, pag-ibig, pag-hanga, sex, awa, etc.
Pag hindi ito nabigay sa kanya o kung hindi man nya nakuha mula sa taong tina-target niya, paparusahan niya eto, pahihirapan at kung ano-ano pa.
High-level narcissist siya mga ate, kuya. Kung titingnan niyo mga ginawa at sinabi ni Many Gary, swak yun sa psychological criteria ng taong may NPD.
O diba, PSYCH101 lesson pa ang Mara Clara, bongga!
Kaya ganun ang pakiramdam ni Clara nung sinabi niya: "Sinasabi ni tatay mahal nya ko, pero bat pakiramdam ko mag-isa pa rin ako." kasi eto ang klasik at textbook na nararamdaman ng kahit sinong gumagalaw at nasa ilalim ng galamay ng isang may NPD.
Moral Lesson #2:
Ang true Love hindi attached o obsessed.
Believe it or not, diluted version ni Mang Gary si Christian, Clara at Alvira.
Maski gaano ka-cute, adorable, nice-looking ang tao, nawa'y matandaan nating lahat na ipasa-walang bahala ang kanyang sinasabi, ang kanyang itsura, ang kanyang damit at pansinin lang ang kanyang ginagawa.
Si Christian, sadly, para ring si Mang Gary.
Kasi, look and see, abusive din siya kay Mara.
Noong hindi nagustuhan ni Christian ang reaksyon ni Mara nung nasa school pa sila at niligawan niya ito - kasi sabi ni Mara friends lang daw muna sila - di ba dinedma niya si Mara? Ni hindi niya nga kunyari maalala pangalan niya.
At maski alam niyang naiinis na si Mara sa ginagawa niya, tuloy pa rin siya.
Isa pa, nung kelangang umalis ni Mara sa Maynila at lumipat sa Isla Verde, hindi tumigil si Christian hanggang di niya eto nakikita maski alam niyang pwedeng mapahamak si Mara dahil sa pagpunta niya sa Isla. At ganun nga ang nangyari kasi sinundan siya ni Clara tapos sinundan naman ni Mang Gary si Clara. Pero maski magkakagulo na, di pa rin siya umalis at bumalik sa Maynila.
Wag nyong sabihin na love na love niya si Mara kaya niya nagawa yun kasi hindi yun love. Attachment yun at possessiveness pa.
Kung totoong love ni Christian si Mara, hindi siya matatakot mawala eto sa kanya o makahanap ng iba. Kasi alam niya na hindi naman niya pag-aari si Mara. At nabubuhay si Mara para sa ikabubuti ng buhay niya, hindi para sa kanya. At kung totoong love ni Christian si Mara, hahayaan niya si Mara at magtitiwala siya dito - hinde niya gugustuhing alamin lagi kung nasaan si Mara at di niya pipilitin na isipin siya lagi nito.
Kapag attached ang isang tao sa isang tao, ibig sabihin ginagamit niya lang eto para sa sa sarili niya, wala siyang pakielam sa kapakanan nung isa.
Ang true love may committment hinde attachment. Pag may committment, ang kapakanan ng ibang tao ang pinahahalagahan.
Si Clara - syempre - may shades din ni Mang Gary.
Mahal ni Clara si Alvira kasi mayaman siya. Pag nakadikit siya kay Alvira, kadikit na rin niya ang pera at imahe ng kasosyalan nito.
Attached si Clara kay Alvira tulad ng attached siya sa limpak limpak na pera na nakatago sa ilalim ng kama niya. Sa impluwensya ni Gary, supply din ang tingin niya kay Alvira at umaasa din siya na magkaroon ng buong pamilya (pero etong huli ginagawa niya for display purposes only).
Di rin nakatulong na ini-spoil at sinanay ni Alvira si Clara sa sosyal na lifestyle. Kasi si Alvira, attached din kay Clara. So in fairness, bagay nga silang mag-ina.
Nung huli, nang di makuha ni Clara yung dating "supply" (attention, etc.) na nakukuha niya kay Alvira, kinuha niya ito kay Mang Gary. May bonus pa kasi si Gary meron na ngayong "money."
Si Mang Gary, nung nakita nyang nahihirapan siyang kunan ng "supply" at atensyon si Alvira, kinuha niya ito kay Clara. Kaya di ba nung huling linggo na ng serye aalis dapat sila ni Mang Gary? You and Me Against the World ang kanilang story.
Yung may mga NPD kung magpalit ng tao, parang nagpapalit lang ng maruming damit. Kasi hinde nga tao tingin nila sa tao, gamit lang.
Moral Lesson #3:
Hindi ibig sabihin ng pag-ibig ay bigay ng bigay.
Pa`no ka magbibigay ng pag-ibig sa iba kung di mo alam kung paano bigyan sarili mo?
Ang totoong pag-ibig alam kung paano mahalin ang sarili bago magmahal ng iba.
Pag alam na niya mahalin ang sarili niya, alam na niya kung paano dapat tratuhin ang iba.
Si Susan, si Aling Lupe, si Mara - lalo na nung umpisa - bigay ng bigay sa kung anuman ang gustuhin ni Mang Gary - para tumahimik na lang ba?
Pero tuwing ginagawa nila ito, binibigay nila kay Gary ang power para kontrolin sila, abusuhin sila, gamitin sila.
Yan tuloy, ginawa nga ni Gary yung di nila gusto.
Kasi ugali naman nina Susan at Mara swak sa characteristics ng classic codependent.
O yung mga nag-Psychiatric Nursing jan, what can you say? Isn't Mara Clara, so bongga ka dey?!
Buti si Mara nagbago nung huli. Lumaban na siya. Sadly, dala pa rin niya yung pagiging codependent ba?
Halimbawa, pinakulong niya nga si Gary pero nagpabugbog naman siya, may matching magmakaawa at paluhod-luhod pa.
Moral Lesson #4:
Ang life parang buhay at batang pasaway.
Uulit siya ng uulit hanggang di natin sya nage-gets.
Papakita niya sa iyo ang dapat mong makita maski ayaw mong tingnan o aminin na nandyan. Pag hinarap mo na ang dapat mong harapin, doon lang siya mag be-behave, doon ka lang niya papakawalan at doon mo lang siya mabibitawan.
Yan ang sagot nung tinanong ni Mara kay Susan: "Baket laging ang daming problema nangyayari satin nay?"
Ano nga ba ang gustong sabihin ng buhay kina Mara at Susan?
Sabi ng life: Mahalin nyo selves nyo girls! I-appreciate nyo selves nyo girls! Walang gagawa nun, hinde si Mayor o kahit sinong Poncho Pilato.
Yan ang regalo sa kanila ng pagkakaroon ng Gary sa life nila. Tinuturuan silang mahalin sarili nila di ayon sa standards ng iba kundi sa standards nila.
Moral Lesson #5:
Ang magandang palabas sa local TV – na sure na susubaybayan – hindi gumagawa ng caricatures kundi character archetypes **"archetypes are embodiments of behavioural stances that humans have developed over millennia, or are established patterns in nature."
Si Susan at Mara as the Martyr
Clara as the Wounded Child
Gary as the Destroyer
Aling Lupe as the Mother
Moral Lesson #6:
Good entertainment allows characters to evolve & change.
Parang totoong buhay, nagbabago ang tao depende sa nararamdaman at nangyayari sa kanila sa bawat okasyon. Kudos sa Mara Clara dahil hindi one-dimensional ang mga tauhan. Di tulad ng ibang Heneral dyan.
Di ba si Aling Lupe noong umpisa hate si Mara & Susan pero nung huli naging love na nya silang dalawa?
Si Mara dati passive tapos naging fighter-fighter-an.
Si Clara naman tinubuan ng konsensya - nag-nervous breakdown lang sa huli dahil sa trauma - temporary shock mula sa pagkaka-dis-attach niya kay Mang Gary, saka i-witness ba naman niya itsugi ang kanyang daddy, e di mejo sya na lurky.
Moral Lesson #7:
Good local entertainment is culturally correct..
..hinde yung mga konsepto na kinuha, hiniram sa mga palabas ng ibang bansa na ginupit gupit lang at dinikit AT pinilit ikasya sa local Philippine TV.
Ang kwento ng Mara Clara kuha mula sa mga kwento ng kapitbahay natin, pamilya natin, kamag-anak, barangay, komunidad at balita sa radyo, dyaryo at TV.
Of course Mara Clara is not perfect but it is sensibly entertaining & true to the Filipino's perfectly flawed & evolving culture.
Kaya na-nominate sya sa Banff World Media Awards sa kategoryang Best Soap Operas and Telenovelas.
Wha did i tell ya?! Di lang pang-local, pang-International pa! Confeermed, Mara Clara is so Bongga talaga.
9 comments:
whoa, ang gandang insights! talagang dinala mo sa ibang level yung review mo ng series. and it seems na nakita mo rin yung mga bagay na hindi nakita ng ibang audience, both those who liked it and those who bashed it (kasi wala daw moral lessons, stupid characters, etc.) kasi masyado silang focused sa melodrama.
actually, pareho tayo ng iniisip. just read my own review of the series finale.
thank YOU flamerounin!
suggestion lang, sana sinama mo rin dito yung thoughts mo dun sa common rant nung mga nagbabash ng palabas na tanga raw at walang redeeming values yung mga characters. what can you say about that?
hayaan ko na lang sila -- kung di nila gets -- di pa nila gets -- di naman kelangan i force ko sa kanila opinyon ko -- di rin nila kelangan i force sakin opinyon nila. ska may Banff nomination na Mara Clara -- kebs ng show sa kanila. =P
hehehe! i admit lalake ako pero pinanood ko to ng walang mintis. ang maganda kasi sa kanya, hindi nag-attempt na magpaka preachy. kumbaga hinayaan niya lang mag-grow yung mga characters. kaya nga sa first part, medyo childish pa sila pareho si mara at clara, but after the kidnapping part, pareho na sila na mas mature mag-isip. sadly, ito yung di nakikita ng iba kasi masyado silang nakafocus sa drama.
In short, the true main character of the series was Gary, we should learn something from him and the lack of common sense and strength of the other, supporting characters (such as Mara). You can call them caricatures or archetypes, but the best word to describe the characters: cliches. And in this case, horribly written ones. Character development? Do you really think any of the characters grew over the course of the series? And it may be the true that the series is culturally correct in that Filipinos love getting abused. What!? No, Mara Clara is not perfect. But it is also not sensible, nor entertaining and if it is true to Filipino's flawed and evolving culture, then why would you create a series that merely promotes that flawed culture?
And "pang-International?" Hahahahahaha. Hilarious.
But oh well, the series is over. (Thank God!) I know many people are happy the series won't get to teach its "moral lessons" any longer.
ermm...Mara Clara in my opinion was neither promoting or denigrating the culture we are all in, what it was doing was displaying it in all its flawed glory or in your own words "abuse porn" which i think is spot-on. but what i take from it may be different from what you or others think.
Gary I feel is also an excellent metaphor for the ego – the ego would rather die than change & would go to great lengths to win and make other people lose through bullying and intimidation with accompanying evil “Hahahaha. Hilarious” laugh. and yes we should all learn from him as well as the lack of common sense and strength of the other beautifully cliched characters.
sana nga naging Mary, Clary, Gary na lang naging pamagat nung show`no?
opo, i have seen that the characters grew but only to a certain extent as they still kept their codependent tendencies.
I pray all Filipinos do not love to be abused but our culture is, unfortunately, codependently conditioned
i do sincerely laud your hatred of the show and at the same time the patience you have to loyally see it as well as make a lengthy post about this “horribly written” soap - it’s so "Hahahahahaha. Hilarious" i lovet.
disclaimer:
i am basing my opinions on what the show IS and not what I want it to be. If there is a show on tv which is perfectly what I want it to be, it would be a show I would have personally made, written, directed, produced, pitched to the TV-powers-that-be.
yo, DM musta? napadaan ka rin pala rito. bat di ako makapagpost dun sa blog mo nung nakaraan?
actually, i would agree with mam Cheez more. kasi if i am correct, pareho kami na yung mga minor scenes ang tinitignan, since those were the parts were the parts that really showed the character development we are looking for. case in point, ung mga dialogs na kinuote niya actually came from the minor scenes.
as for gary being the focus of the final part, maybe yung audience mismo (both those who liked and hated the series) were the ones too focused on that. kumbaga nakalimutan nilang ikunekta kina mara at clara. kayo na nga rin ang nagsabi na both characters were supposed to be the leads, so bat di niyo tinignan kumpano sila nagespond sa actions ni gary (mara trying to stop it while clara willingly going with it). kumbaga, gary also served as the one who made them both grow.
and on character dev't. eto lang dapat tandaan diyan e. it can be both positive and negative (actually, i consider a story well written if it does show negative dev't of the characters). kung growth naman, yun yung part na kelangan mo nang tignan yung characters in much more holistic approach. kumbaga, instead of trying to force your own perception of growth, you need to be a bit more open minded here to really appreciate that part of the characters. an interesting case in point on that: bakit ba ang pinapansin nung audience e yung faulty decision ni mara?
finally, lahat naman ng soaps, mapalocal or foreign, e gumagamit ng cliches or archetypes (or whatever you want to call it) in order to connect with the audience. it's how they make those cliches into unique characters that's really the best part of a story. ipoint ko lang, si DM na rin musmo ang nagsabi sa review niya na di niya nagustuhan na from a smart girl e naging faulty yung personality niya later on. ibig sabihin, si DM mismo ay kumakapit sa isang cliche (the smart girl) na gusto niyang makita. kumbaga, to really appreciate this show, you really need to see the characters as unique individuals in their own right and not the way you want them to be.
The Mara-Clara Soap Opera was by far a representation of Filipino norms rather than culture.
The episodic display of cognitive dissonance to almost all characters involved in this ill-rated program along with its tenacity in eliciting response from a culture that have long been deprived of its independence (may it be political, psychological and social identity)have been wildly crafted by the producers just to cause economic storm among Filipino fans across the globe.
It can be therefore a matter of differentiating between "User Friendly" and a "Friendly User" agent of art in our society.
Be that as it may, unless these soaps will evolve into something beyond the framework of "Kawawa, Naapi, Biktima" -garnished with a little of incongruent concept of Pinoy version of Pag-ibig,the Filipino soap opera will always be a challenged recycled one.
Movie producers and the like must see to it that children follow what they see and they will not certainly allow their curious brains to ponder between the lines -especially in the issue of Mara-Clara.
We should not a create a norm that will eventually promote a culture of dissociative identity disordered people via the next generations to come.
http://eco-philippines.com/?p=448 The Psychology Behind Philippine Soap Opera.
Post a Comment