Ganito ang kwento,
si Renato (tawagin natin siyang Papa Ren) may ka-live-in,
ang pangalan ng ka-live-in nya si Nelia. Tawagin natin syang Pamela-mela 1. Sabi ni 1, dati raw siyang "tomboy" pero ngayon in-love na sya sa lalake - sa katauhan ni Renato - dahil
"masarap" daw at "lahat binibigay nya."
Pero, si Renato meron din daw
Melinda (ang asawa daw ni Melinda nasa abroad) - may 5 anak. Tawagin natin siyang Pamela-mela 2.
Sabi naman ni Melinda, si Renato daw
"mabait," "lagi nasa tabi ko,"
"mapagmahal, maalalahanin (at) malambing."
Pero ulit, si Renato meron din daw
Rosa Mia (hiwalay sa asawa at may 3 ang anak). Siya naman si Pamela-mela 3.
Gusto ni Rosa Mia si Renato dahil
"mabait sya, magaling magalaga sa anak ko (at)
pinangakuan nya ko na lilipat kami sa Tarlac."
In summary, sabi ni Pamela-mela 1:
"Mahal ko (si Renato)."
sabi ni Pamela-mela 2:
"Mahal na mahal ko (si Renato). Higit sa buhay ko ang pagmamahal kosa kanya."
sabi ni Pamela-mela 3:
"Mahal na mahal ko sya hanggang kamatayan
naniniwala ako na sya makakasama ko hanggang pagkamatay ko."
Ang hindi alam ni Pamela-mela 2 may Pamela-mela 3 si Renato (& vice versa).
Hindi rin nila alam na may Pamela-mela 1 na pala.
Eto namang si Pamela-mela 1, alam na may Pamela-mela 2 at Pamela-mela 3 si Renato at okay lang daw eto sa kanya.
Maya-maya, lumabas si Renato para ipakita at i-isplika kung bakit sobra siyang pogi.
Dito niya inamin na kaya siya may Rosa Mia ay dahil nakukuhanan niya eto ng barbecue na siyang pinang-uulam nila ni
Pamela-mela 1
-- with matching turning the tables against Rosa Mia, pinamukha niya kay Rosa na eto ang may kasalanan at hindi sya kasi
"ginusto mo rin naman di ba! Ikaw nagsabi na babayaran kita sa pamamagitan ng pagbibigay ko sayo ng kaligayahan diba!"
and yes, sinigurado ni Renato na siya pa ang galit. Para nga sana malipat dun sa isa yung pagsisisi at hindi sa kanya.
Pinamukha din ni Renato na si Rosa Mia ang nagyayaya at nagbabayad sa apartelle na pinag-pupulot-gataan nila bilang pruweba at pag highlight sa kasalanan ng huli para nga di mapansin ang mga kasalanan niya:
at ang mga eto ay:
1 ang pagmamanipula sa damdamin,
2 ang pagsisinungaling
3 at paggamit sa kahinaan ni Rosa Mia.
Bukod sa mga eto, ang winning statement of the day ay galing kay -- sino pa e di kay Papa Ren -- nang sinabi niya na:
"HINDI NGA AKO GUWAPO PERO MAGALING NAMAN AKO!"
Dito na nawalan ng pulso si Tita Amy.
Ang ibang nasa audience sinabunutan naman ang sarili.
Hindi nila kinaya ang kayabangan ni Papa Ren.
May kilala ka bang ganito ang ugali?
Alam niyo ba kung ano ang tawag sa ganyang ugali ni Papa Ren?
Mga ate at kuya, si Papa Ren may NPD - Narcissistic Personality Disorder.
Hindi ibig sabihin nito, lagi niyang tinitingnan ang sarili sa salamin.
Ang tingin ng mga taong may NPD sa mga kapwa nya tao ay mapag-kukunan ng supply.
Pag nakakita siya ng nilalang, ang default mindset nya: anong meron dito na pwde kong minahin?
Si Nelia may lupain sa Tarlac.
Si Rosa Mia, may barbecue-han na siyang pinagkukunan ni Papa Ren at ni Nelia ng ulam (na walang bayad). Si Rosa Mia din ang nagbabayad sa apartelle pag nag-ju-jugs-jugs-jugs-an sila ni Ren.
Si Melinda, binibigyan si Papa Ren ng ka-perahan courtesy of her OFW husband (kelangan nito ng sariling Face2Faceepisode).
Bale, ang tingin ng mga taong may NPD sa kanilang sarili ay "winner." Lagi silang "winner." Ang kaibahan nila sa mga taong may healthy sense of self ay wala silang pakielam kung sino maapakan nila, masaktan nila, magamit nila basta winner sila. Hindi sila papatalo.
Sa relasyon, gusto nila sila ang laging bida. Sila ang laging napapansin, pinapansin.
Ito ang dahilan kaya kumanta si Papa Ren. At ito rin ang dahilan kung bakit ayaw nya tumigil sa pagkanta. Tumigil lang sya ng hinagisan siya ni Rosa Mia ng upuan.
Kaya sinabi ni Papa Ren, "Ganyan ko sila nakuha." (tinutukoy niya ang maganda niyang pagkanta)
Kitam, nasa bokubularyo niya talaga ang "pag-kuha."
Gusto ni Papa Ren na siya ang kinaiinisan ng dalawa. Na siya ang nasa gitna ng gulo. Na siya ang pinapalakpakan / kinaiinisan ng madlang tao.
Feel na feel nya ang dedication na sinabi nya para kina Melinda at Rosa Mia:
"Sana sa awitin ko ay magbago ang buhay nyo."
Supply din kasi - hindi lang ang barbecue, pera o sex - ang atensyon na nakukuha niya mula sa dalawa.
O kahit anong atensyon ng kahit sino.
Atensyon ng pagmamahal man eto o galit - walang pinagkaiba. Ang mahalaga, napapansin siya. Pag napapansin siya, nabubuhayan siya ng loob. Pakiramdam niya buo siya. Pag pakiramdam niyang buo siya, maligaya siya. Pag maligaya siya, wala siyang pakielam kung masama ang loob ng iba.
Siya lang ang importante dito. Hindi ikaw. HIndi ibang tao.
Nakakawala talaga ng pulso ang pakikipag-interaksyon sa mga taong may NPD.
Uubusin kasi nila ang lahat ng buhay sa pulso mo, lahat ng pera sa bulsa mo, lahat ng atensyon mo sa sarili mo mawawala at mapupunta lang sa kanya, wala nang iba.
Pero, sa una, nakaka-humaling sila.
Nakaka-akit.
Parang ikaw lang ang tao sa mundo kasi ikaw lang ang pinapansin niya. Feeling bongga ka talaga.
Kasi, sa stage na ito, pinag-aaralan ka nya. Ano kahinaan mo. Ano mabibigay mo sa kanya. Hanggang saan lang kaya mong ibigay sa kanya, sinusulat nya na ang mga eto sa notebook nya sa ulo.
Pag alam na niya ang mga kaya niyang kunin sayo, ang gusto mong ibigay, ang kaya mo lang ibigay - madalas sa minsan - nahumaling ka na sa kanya. Nakadikit ka na sa kanya. Na-adik ka na sa binibigay niya at sa nakukuha mo rin sa kanya.
Si Nelia - porket alam niya na may dalawa pa bukod sa kanya - akala niya safe sya. Sya ang secondary narcissistic suppy ni Renato.
Si Melinda at Rosa Mia ang primary narcisstic supply. Ang Face to Face ang naging Primary Narcissistic Supply din ni Renato.
Kung wala nang makuhang supply si Renato kay Nelia, madalas sa minsan, hahanap at hahanap eto ulit.
Walang katapusang hanapan at pagsipsip ng supply ang buhay at trabaho ng taong may NPD.
Ngayong may alam ka na. Maging aware ka.
Subukan mong wag magkamali na baguhin sila. Madalas sa madalas, ikaw ang mababago ng taong may NPD. Kung hindi ka mawawalan ng pulso, makukuha nya ang katinuan/kapuso-an mo. Wag mong hayaang mangyari ito.