8/17/11

10 Bagay na Dapat mong Gawin at 3 Bagay na Di Mo Dapat Gawin Kung Gusto Mong Mabigyan ng Pera ni Willie Revillame

Hindi na ako masyado nagsisimba kaya

nanonood na lang ako ng show ni WIlie Revillame.



Para ka na rin naman kasing nagsimba pag pinanood mo show ni Willie

(hindi ko na sasabihin pangalan ng show kasi baka mag-iba na naman pamagat nito next week, next month o next year. Napansin ko ang hindi lang nagbabago ay yung host ng show at ang style nito ng pamamahagi ng pera sa mga contestants na "pumipila mula pa madaling araw," na "galing sa Baguio," "galing sa Quezon," na `sumakay ng bus kasama ang 5 o 6 yr old na anak para magsilbing gabay sa mga bulag na mga magulang').

Gets nyo din ba na kaya mataas ang rating ng show ni Willie Revillame kasi ito ngayon ang live, real-time na Sample! ng modern-day na misa - at ang host nito ay ang 21st century self-professed na messiah-d?

Plus, nagbibigay din daw ang show ni Willie Revillame ng "bagong pag-asa," tulad din ng simbahang Katolika.

I-sight nyo, malamang sa hindi, ang show ni Willie - parang Holy Mass.

Unang-una, meron itong Introductory Rites.



Nagsisimula ito sa sayawan at/o kantahan. Kumabaga sa misa, eto yung part na nagpapaka Gloria in Excelsis Deo. Pagkatapos nito, saka e-enter ang Holy Host. Para ipakita ng tao ang kanilang pagpupuri, magtataas sila ng kanilang dalawang kamay in praise o adoration. By this greeting, the presence of the messiah is made manifest.


Ang show ni Willie, meron ding Liturgy of the Eucharist (ito ay dialogue sa pagitan ng pari at mga tao). Kung sa misa may dialogue ang pari at ang mga tao ay sumasagot sa pamamagitan ng responsorial psalm, ang show ni Willie meron ding ganito, mas free flowing lang.

Sa Kantanong segment, binabati at pinapasalamatan ng Host ang mga contestant, binabati at pinasasalamatan naman ng mga contestant ang Host, binabati at pinasasalamatan naman ng contestant ang kanyang dalang akay, at binabati/pinapasalamatan naman ng mga akay ang contestant na nagdala sa kanya sa show.



Libre pumuri ang contestant sa Host, ang Host sa contestant, ang akay sa Host at sa contestant. Pero ang Host lamang - kung gugustuhin nito - ang pwedeng magsalita at magsermon sa contestant at sa akay nito.

Ang mga manonood ay libre ding sabihin at any time during the show: "It is right to give him thanks and praise."




Ang Offertory segment naman ay pag nagbibigay ang mga manonood ng mga pagkain, bagay o gamit sa Host. Kapalit nito ay ang pamamahagi din ng Host sa mga manonood ng cellphone, jacket o pera.


Kung gusto mong makakuha ng mas mdaming pera mula sa show ni Willie Revillame, gawin mo ang mga sumusunod na tips:


1 Sabihin mong pogi at mabango si WIllie.

Babala lang: Hindi ito uubra kung ikaw ay contestant na lalake o babae na nasa edad 50 at pataas. Uubra lang ito kung ikaw ay babaeng contestant na may edad 18 - 25 at maganda sa paningin ng Host.





2 Sabihin mo: "Payakap"

Mabibigyan ka ng P1,000 - P3,000 kung ikaw ay akay ng contestant at hindi contestant mismo. Mas malamang na mabigyan ka kung ikaw ay matandang babae na nasa edad 50 yrs old and above.



3 Sabihin mo na malayo ang iyong pinanggalingan

Mas makakatulong kung ikaw ay mag-isang pumunta sa studio at dinagsa ang matinding baha, lindol o kalamidad para makarating lamang sa show. Siguraduhin mo na masabi mo lahat ng iyong ginawa para makita lamang ang Host. Pero siguraduhin mo na ang pagsabi mo hindi nagmamalaki. Dapat parang wala lang din sayo ang pinagdaanan mo. Pabayaan mong si Willie ang makapansin ng ginawa mo. Subukan mong siya mag-angat ng banko mo, hindi ikaw.


4 Magpanggap kang 80-90 years old na matandang babae.

Hindi ka lang mabibigyan ng pera, may libreng jacket at sponsor give-away ka pa.


5 Magbigay ka para ikaw ay mabigyan

Ito ay nasa Banal na Aklat kaya ito rin ang sinusunod ng Host. Maski isang supot ng pulburon, isang cake, mga kakanin, kung buo sa puso mo na makatanggap mula kay Willie Revillame, ikaw ay makakatanggap basta trip din niya na bigyan ka.


6 Sumayaw, sumunod ka sa gusto ng Host

Kung sabihin nya talon, tumalon ka. Kung sabihin nya kanta, kumanta ka. Kung sabihin nya sayaw, sumayaw ka. Magtiwala ka, siguradong mabibigyan ka. Yun na!


7 Magmakaawa ka

Noong Aug 16, 2011 episode ng show ni Willie Revillame, may contestant sa Baligtaran segment na na-Bokya. Umaasa siyang magbibigay si Host ng higit pa sa kaunti niyang napanalunan. At tulad ng inaasahan niya, pina-asa nga sya ng Host. Nakalabas na ang babae mula sa stage - at sinundan sya ng kamera sa kanyang paglalakad at pag-iyak. Nung tinawag sya muli pabalik ng Host sa stage, nagmamadaling tumakbo ang babae at niyakap ang Host. Sinabihan siya ni Willie: "Kumbinsihin mo ko!" (`Kung karapat-dapat nga kitang bigyan')

At tulad ng inaasahan, nag-kunwaring magmakaawa ang babae, with matching iyak at pag-ingit. Sa huli, nabigyan din sya. O di ba.



8 Magpatawa ka

Kung kwela ka, may pera ka!


9 Magpasikat ka

Kung totoong magaling kang kumanta, sumayaw o may talento na talagang kabilib-bilib, may palakpak ka na, may pera ka pa!



10 Makisakay ka

Kung hindi ka sumasangayon sa sinabi ng Host, e.g. "Dapat lahat tayo gumamait araw araw ng Ligo Sardines at kumain ng Gluta White soap" um-OO ka! Kung hindi, babarahin ka niya, wala ka pang anda.



Amg mga susunod naman ay mga bagay na di mo dapat gawin kung gusto mong mabigyan ng pera ni Willie.

1 Magdasal

Uubra lang ito kung ang dadasalan at luluhuran mo ay ang Host mismo.


2 Magpa-awa

Iba ito sa nagmamaka-awa. Ang magpa-awa ay pag-kukuwento - ng hindi tinatanong ni Willie - tungkol sa iyong malungkot o mabigat na nararamdaman dahil sa kawalan ng pera o anuman. Mas uubra kung ikaw ay nagkukuwento na parang wala lang, Mejo mahirap ito pero sulit. Kelangan lang i-balanse mo ang pagkukuwento na may sundot sa puso na hindi halatang nanghihingi. Mas makakatulong kung lagyan mo ng konting pag-amin. na kumbaga may pagkakamali ka rin kaya ka nandyan ngayon sa kinalalagyan mo. Kung hindi distracted ang Host at mapansin niya ang iyong pinagdaanan o pinagdadaanan at bibigyan ka ng, "Okay lang yan, lahat naman tayo nagkakamali, etc.) yun na! Itihaya mo na ang kamay mo! Now na!


3 Magkaroon ng sariling opinyon

Kung tingin mo at buo ang paniniwala mo na gagalisin ka pag nag-sardinas ka araw araw at mahal mo ang kayumanggi mong balat at magalang mo itong sinabi sa Host at sa buong madlang people, sori ka na lang dahil hindi ginagalang ng show ang may mga buo at sariling opinyon tungkol sa sarili nila at sa mga bagay-bagay.




(Disclaimer: Ang mga tips na ito ay mga suggestions lang. Nasa discretion (at mood) pa rin ng Host kung siya ay mamimigay man o hindi. Suntok sa buwan, ang pamimigay ni Host ng kaperahan ay weather weather lang.)

2 comments:

Roger on August 19, 2011 at 8:20 PM said...

ayus, panalo ka na naman saanalysis mo mam cheez, hehehe!. the way i see it, para ngang nagiging cult of personality na ang palabas na ito ni ginoong revillame. at pwede ring sabihin na form of hypnosis na yung paulit-ulit na pagkanta niya to condition the people to do his bidding.

Cheez Miss on August 19, 2011 at 9:34 PM said...

suki ka talaga! salamat!

Post a Comment

ShareThis

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Share

 

Total Pageviews

Search

Resources

Site Info

CheezMiss Copyright © 2009 Blogger Template Designed by Bie Blogger Template