10/3/11

Patalastas ni Pastor Pasahero sa jeep na Pasay Road-Libertad

Alas-sinko ng hapon, si Manong Pare sumakay ng jeep sa Pasay Road na pa-Liberty.



Mukha syang average na taong kagagaling lang sa trabaho at gusto nang umuwi - nka-polo, slacks at may laptop bag pa ang arti.

Pero pagka-upo ni Manong Pasareho, bigla syang nagbago.

Si Manong naging Pastor Pasahero!



Ops! Wag daw po tayong mag-alala sabi ni Papa Pastor, wala daw syang hihinging money. Wala rin daw siyang bibigay na kahit anong pamphlet. Ang tanging ibibigay nya lang daw ay Words ni Lord.

At binigay nya nga, and more.

Take note, nag-preach din daw sya sa tren kung san iilan lang daw ang pumalakpak sa beauty niya.

Baket ganun?! say ni Papa P. Kung si Ate Guy daw at si Kuya Robin pinapalakpakan ng todo-todo, bat yung words daw ni Lord ni hindi man lang natin pinapansin. Hindi ba si Lord ang nagbigay ng hangin na libre nating bini-breathe?





O diba, kung na-guilty ka, papalakpak ka talaga.

At kung may bisyo ka, dapat ka rin daw na ma-guilty.

Sabi ni Papa P., nahumaling daw sya dati sa ABS-CBN.

A - Alak
B - Babae
S - Sugal
C - Chismis
B - Bungangera
N - Nagger

Aba, "pati katulong namin tinira ko! Nahuli nako ng misis ko, ayaw ko pa umamin! Nahuli nako, talagang di ako umamin!"

Kaya sabi ni Pastor Pasahero, `Halika't magdasal tayo. Pagdadasal ko kayong lahat na mabigyan kayo ng promotion, na dumami ang pera nyo, na makuha nyo na ang minimithi ng inyong puso, na maayos kayong maka-uwi sa inyong mga tahanan. Isara natin ang ating mga mata...

pwera ikaw Mamang Driver.'

At nagdasal nga si Papa Pasahero. Binless nya ang lahat na nakasakay sa jeep at nang matapos ay nagpasalamat sya at pinalakpakan din sya ng karamihan sa mga pasahero.

Ang mga hindi pumalakpak, "Ano ang gagawin natin sa kanila?"

`Bahala na ang Diyos sa inyo."

At bumaba na siya sa riles sa South Super Highway. May mga nagpasalamat na pasahero din kay Pastor P.

Pero ang iba, dedma. Ang iba pumikit at nagtulug-tulugan. Ang iba nag-text. Ang iba, walang kebs.

Para kasing komersyal si Pastor Pasahero - unsolicited, intrusive, annoying.

At tulad ng komersyal, kelangan nyo syang pakinggan,

kelangan nyo malaman ang mga sinasabi nya,

kelangan pansinin nyo sya,

wala siyang pakielam sa estado mo o kung may pinagdadaanan ka,

wala siyang pakielam kung gusto mong pakinggan siya,

ang mahalaga marinig mo ang sinasabi niya.

Syempre one-way communication lang. Tulad ng komersyal sa TV, radyo at mga billboard. Wala silang kebs kung gusto mo silang makita. Ang importante, makita mo sila. Wala silang kebs sa inyo. Kebs lang nila ang sarili nila.

Of course, kung may karapatan silang magpakita, magsalita at mag-ingay, may karapatan din ang iba na wag siya/silang pakinggan.

Thank you God.

2 comments:

Roger on October 10, 2011 at 4:04 AM said...

woohoo! panalo ka na naman mam cheez! religion na yung tinackle mo ngayon. di kaya tirahin ka ng mga yan, hehehe!

actually, yan rin ang napansin ko sa karamihan ng mga preachers. kumbaga, sobra silang "obsessed" para makapagpakalat kuno ng salita ng Diyos pero nakakalimutan nila itong ikunekta sa reyalidad. which is a big mistake kung gusto nilang magbigay ng message.

at isa ko pang nanotice e pilit nilang tinetailor made ang contents ng bibliya para sumakto sa sarili nilang mga paniniwala.

just my two cents.

Cheez Miss on October 10, 2011 at 8:59 PM said...

"sa ko pang nanotice e pilit nilang tinetailor made ang contents ng bibliya para sumakto sa sarili nilang mga paniniwala."


yes -- tumpak ka jan!

Post a Comment

ShareThis

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Share

 

Total Pageviews

Search

Resources

Site Info

CheezMiss Copyright © 2009 Blogger Template Designed by Bie Blogger Template