9/5/12

Bakit Ayaw Umamin ni Tito Sen, Bow.

Dear Tito Sen,


Pans nyo ko mula pa noong dikit-dikit kayo nina Vic and Joey.




Actualley, mas pans ako nina Vic and Joey pero nandyan na rin kayo kaya, sige na nga, pans nyo na rin ako.

Actualley ulit, binoto ko kayo para maging senador.


May anti-drug anik anik kasi kayo di ba?

Kaya, bongga. Ayun, nadala ako sa ache-che nyo kaya boto to da max ako.



Malay ko ba ser na nangongopya kayong totoo.

Akala ko pang-Iskul-Bukol lang yung arte nyong parang gago.


Totoo pala.


Nye!!!






Sa atin atin lang eto ser.

Nasa Eat Bulaga pa lang kayo, sabi ng tita ko (sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa) mayabang daw kayo. Kasi nanonood sya ng Eat Bulaga, sabi niya napanood nya raw kayo na nabasaan ng relo dahil sa isang game portion nyo na may H2O.

Aba, sinabi nyo daw yung presyo ng relo. Pati brand yata. Arogante nyo daw senor. Pero, malay ko ba.

Chikiting pa lang ako nun. Anong malay at pake ko kung mayabang kayo.


Fast forward sa ngayon.

Nagtatalumpati kayo sa Senado.

Anlayo ng naabot nyo ser, in fairness.

Dati nag-to-toning lang kayo.





At nag-ba-bate. Ang galing nyo din umarte.



NOVA VILLA: Ano ginagawa mo?

Tres Musketeros 1: Nag-babate ho.



NOVA VILLA: Nagbabate? Mamaya ako magbabate.

Tres Musketeros 1: Wag na ho, baka di ho kayo sanay eh.



NOVA VILLA: Oy sanay ako mag-bate. Kahit ako mag-isa rito ako nagbabate.

Tres Musketeros 1: Wag na ho, Ako na, para tuloy-tuloy na.

NOVA VILLA: Di ka marunong humawak eh. Di ganyan pag-bate.



NOVA VILLA: Ganyan, ganyan paghawak sa tinidor.




Ngayon, sa Senado na kayo umaarte.

With matching tears pa talaga. Totoong bongga!


Pero kasi naman, mangongopya na lang kayo, sa blog pa.

Sabihin nyo ng kasalanan ng writer nyo. Ok lang.

Pero, bistado na, ayaw umamin pa?!


At inulit pa!!!

At para lumusot, Tinagalog para mahirap i-googels. Wala nga namang speech na gawa sa ibang bansa na sinulat sa Tagalog.

Saka ser, tinext lang sa inyo yung speech nyo?

Ano kayo, gago? Basta basta na lang kayo maglalagay ng kung ano-ano sa speech nyo dahil tinext lang ng kung sino?

Ano kami gago? Maniniwala sa inyo?


Di naman kayo nag-ta-Tough Hits, bat kayo nag-ta-translate?



Ang pagkakaintindi ko sa pag-ta-translate nyo ng mga kanta mula sa ibang wika pa-Tagalog eh pagiging subersibo.

Nakakatawa kapag iniiba nyo lyrics ng kanta ng iba at ginagawa nyong inyo.

Gets ko ser ang komedi kelangan may ni-rereact-an para magkaroon at maka-gawa ng nakakatawa.


Pero, bat ganun?

Mga sinabi ng iba, inaangkin nyong inyo?


Ayaw nyo pa aminin maski nasa harap na ng pagmumukha nyo.

Pati asawa at anak nyo sumali na sa gulo.

Pati 10 Commandments na nananahimik nadamay tuloy.



Kung mag-explain na lang kaya kayo before you complain, ika nga ni Tito Joey.


Tito Sen, Akala nyo ba nasa showbiz pa rin kayo na pwde mag-deny to death sa mga issue na pinupukol sa inyo?

Parang Lolit Solis lang peg. o Willie Revillame much?

Wala na kayo sa showbiz ser, pero pwede kayong bumalik dun pag wala na kayo sa Senado.


Mas maganda mag-translate ng English to Tagalog dun, mas totoong kwela pa. Di po ba?



Sa showbiz lang po lusot pangongopya.

Sa showbiz lang po pwede mag deny to death.

Sa showbiz pwde makipag-plastikan.

Sa senado, kasi may kebs mga tao sa ginagawa nyo, malamang di ho nila kayo ganun kadali tatantanan.

Saka kasi may googels na rin. Lagot.



0 comments:

Post a Comment

ShareThis

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Share

 

Total Pageviews

Search

Resources

Site Info

CheezMiss Copyright © 2009 Blogger Template Designed by Bie Blogger Template