Sagot: Wait lang. Mabuhay ulit?
Bago mabuhay ang samting, kelangan patay muna `to.
Parang ang mas dapat na tanong: Pwede ba buhayin ang patay?
Pag nabuhay ang patay, Zombie na `yun.
Ang zombie, walking dead na. Wala na `tong puso, wala ng utak, wala ng kaloob-looban.
Lahat ng ginagawa nito dikta na lang ng nakasanayan nya saka `yung tawag ng natitirang
kalamnan at balat nya.
Ang alam lang nito gawin kumain ng kumain ng kahit anong nakikita nyang gumagalaw. Kain
`to ng kain pero di naman nabubusog.
Never na `to mabubusog.
Kung pinilit nyo pa buhayin ang pag-ibig na dedo na, zombie na kayong dalawa.
Nagho-holding hands nga kayo habang naglalakad sa mall, pero walking dead naman kayo
pareho.
Nag-tatali na lang sa inyo `yung mga uod na unti unting inuubos ang katawan n`yo. Wala na rin
kayong isip at malay.
Wala na kayong puso.
Talo pa kayo ng puno ng saging.
So kung gusto nyo pa buhayin ang patay, wag na. Kain na lang kayo ng saging.
0 comments:
Post a Comment