11/2/12

Ang Pagboto ay parang pagtaya sa Lotto. Bow.

Ang pagboto ay parang pagtaya sa Lotto.





Paano kamo?






Nakaboto na ba kayo?




Ako nakaboto na,



dati noong nanalo kuno si GM Arroyo, bumoto ako.


Siya ang binoto ko.





Pero, sus ginoo, di pala sya ang dapat daw nanalo.



So parang may silbi na wala iyong boto ko.

Imbensyon na may silbing wala.



Nung nanalo naman si Erap, bumoto din ako.



Hindi siya binoto ko.


Pero, sya ang nanalo.





Ano magagawa ko?



Nagsalita ang mas maraming tao.




Pero pina-alis din sya -- hndi ng mga bumoto sa kanya kundi -- ng ibang tao.

Ano ba yun, tinupad pa ng di ko pagboto yung gusto ko mangyari -

na huwag si Erap ang maging pangulo.




Bukod sa presidential election, bumoto rin ako ng kapitan ng barangay.


Binoto ko - at ng mga kamag-anak ko - yung kapitan na madali raw lapitan.

Na madali hingan ng tulong.  Na di raw kami pababayaan.



Ayun, siya yung nanalo!


Yey!


Mula noon, siya na ang nangangasiwa magkabit ng jumper sa poste na malapit sa bahay namin.


Para daw sa mga kapitbahay niya na walang kuryente.


Anyare? BOOM!  Sumabog yung poste.


Muntik na atakahin lola ko na 90+ years old.


Pero nag-sorry naman si Kap.


Humingi ng tawad kay Lola at nagbigay pa ng FREE fire extinguisher.

O di ba, bongga!


Matapos takutin si Lola, pina-saya naman. Parang horror at comedy movie - 2 in 1.




Bumoto din ako nung nanalo si Noynoy the third Aquino.


Take note, hindi ko siya binoto.





Wait lang, parang may napapansin ako.

Bawat boto ko, wa epek.


Meron ngang isang nanalo sa taya ko pero,


NAMAN!


Dispalinghado.


Yun namang ibang binoto ko, di naman nananalo.



E kung tumaya na lang kaya ako ng lotto.



Ganun din naman.



Pipila ka pag-boboto.




Pipila ka rin pag tataya sa lotto.






Sa lotto, mamarkahan mo taya mo.



Pag ikaw naman boboto, ganun din gagawin mo.




Pag-tumaya ka sa lotto, inaasahan mo na mananalo numero mo.


Pag bumoto ka, inaasahan mo na mananalo yung taong tinayaan mo.



Tumaya man ako sa lotto o bumoto,

pareho lang probability na manalo yung taya ko o hindi.


Parehong suntok sa buwan.


Pero, at least, sa lotto --- totoong magbabago buhay ko.


Kundi man magbago, milyon milyon naman pera ko.


Makataya nga sa lotto.

Mas sasaya pako.



Yey!!! BOOM.






















A real democracy will choose the wise people. They are all around. But remember, a man of wisdom is not going to beg you for a vote. He is not going to kiss your children and shake hands with you. He is not going to act on the television screen so that he appears to be the way you would like your president to be. The wise man is not interested -- in fact, he will not be inclined to be dragged into this mess. You will have to persuade him. The whole scene changes -- not the politician persuading you, but you persuading someone to represent you.










Osho.





Note: Ang mga picture na nasa blog post na ito ay di ko pagmamay-ari.

0 comments:

Post a Comment

ShareThis

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Share

 

Total Pageviews

Search

Resources

Site Info

CheezMiss Copyright © 2009 Blogger Template Designed by Bie Blogger Template