7/4/11

Bakit si Media Man ang sumbungan ng bayan? - updated

Inapi ka ba?

May umaway ba sayo?

Abusado ba barangay captain nyo?

Sawa ka na ba sa pulis na nangongotong sayo?



Isa lang ang solusyon sa problema mo!


Si Media Man!!!




Si Media Man ang puntahan ng mga na-agrabyado.




Ng mga naapi.

Ng mga naiinis sa sistema pero walang magawa sa asar nila.



Pano at saan ka magsusumbong kung ang pagsusumbungan mo ang sya ring gusto mong i-reklamo?

Saan ka pupunta?

Kanino ka magpapatulong?

Kanino pa? E di kay


Media Man!





Kay Media Man, di mo kelangang mag-file ng complaint.




Magsumbong ka lang, yun na, bahala na sya kasi Da best sya!


Ang kapangyarihan ni Media Man ay nanggagaling sa natural na takot ng tao na mapahiya.

Hindi kelangang ma-guilty ng inirereklamo mo.

Hindi rin nya kelangang makonsensya.

Hindi rin niya kelangang magsisi sa kasalanan niya.

Wala man siyang hiya, sisiguraduhin ni Media Man na ang nirereklamo mo ay mapapahiya.

Ang kelangan lang ay kunyaring magsisi siya, pakita niya lang sa radyo o TV na kunyari nakonsensya siya.

At voila! Magbabago na siya!

Hindi na magiging abusado si Kap! (hanggang alam niyang pinapanood at may nanonood sa kanya)

Hindi na rin mangongotong si Pareng Les-Pu (lalo na kapag inalis siya sa pwesto ng mga napahiya niyang superior).

Ang inirereklamo mo hindi na magha-hari-harian sa maliit nilang mundo.



Alam ni Media Man na pahiyaan lang ang labanan.

Ang pagbabago, kung meron man, eh hanggang balat lang at hanggang sikat pa ang programa na nagpahiya sa kanya. Pag hindi na sikat, don't worry. Wait ka lang until dumating ang next top program na dapat mo raw subaybayan.

Kaya wag kayong mag-alala dahil si Media Man, laging nandyan hanggang may gusto kang ipahiya!



Hindi ka niya pababayaan!

Tutulungan ka niya sa lahat ng suliranin mo! Tandaan mo yan maski Itaga mo pa sa bato.

So anong hinihintay mo? Tawag na kay Media Man!

Now na!



DISCLAIMER: Ang mga tinutulungan ni Media Man ay mga maliliit na tao na ang kalaban ay mga maliliit na tao rin. Hindi nilalabanan ni Media Man ang mga malalaking institusyon na bumubuhay sa kanya, (e.g., malalaking negosyo, malalaking establishimento, drug cartel, malalaking negosyante). Ang karamihan sa mga kayang patumbahin ni Media Man ay mga maliliit na drug pusher na nagbebenta ng P100-P500 per gramo, mga nagtitinda ng maruming taho/yelo at kung anu-ano pang pagkain na kinadidirian ng mga middle class na mga Pilipino, mga barangay captain/councilor atbp karaniwang empleyado ng gobyerno (hands-off na sila kapag ang inirereklamo mo ay congressman & anyone above) - in short mga dilis.

6 comments:

Arlene on July 4, 2011 at 11:04 PM said...

Tumpak. Very frustrating no? Wala naman talagang pagbabago. It's all just a show.

flamerounin on July 12, 2011 at 12:24 AM said...

lols, anlupet mo talagang bumanat mam cheez! kaya nga suki muna ako e.

Cheez Miss on July 12, 2011 at 3:35 AM said...

wow suki! =P salamat !

Anonymous said...

super ganda ng blogs mo, sana lage may bago para hindi boring dito sa office..:)

huho on October 5, 2011 at 5:16 AM said...

naniniwala ako dyan pinagkakakitaan lang nila yung irereklamo hindi talaga pagtulong...at saka nababayaran din cla eh bulok talaga cla.

wapatan2012 on May 24, 2012 at 9:06 AM said...

media,, pweeee!!!!! sa lugar namin isang taga media raw siya na isa namang demonyo! malakas mangotong,manakot, mambugbog, at magbayad para magpapatay ng kalaban.

Post a Comment

ShareThis

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Share

 

Total Pageviews

Search

Resources

Site Info

CheezMiss Copyright © 2009 Blogger Template Designed by Bie Blogger Template