5/8/14

PBB All In, Scripted?

Scripted ba PBB?



Scripted kasi puro magaganda, guwapo ang pinili?



Scripted kasi andun sila sa loob, ikaw hinde?



Alam mo kung bakit "scripted"?

Kasi `yun ang gusto mo.



OO.

Ikaw may gusto nun, hindi PBB, hindi sina Lauren Dyogi.

Alam ng PBB `yun ang gusto mo kaya `yan ang binigay nila sa `yo.

Pa`no nila nalaman gusto mo?


Di ba nanonood ka ng PBB ngayon?

Di ba inaabangan mo `yung mga ginagawa nila sa loob?



Di ba nadadala ka rin sa kagandahan at kaguwapuhan nila?




Di ba gusto mo rin sila mapanood at makita?


Di lang ikaw may gusto nun, madami.



Kaya nalaman ng PBB na `yan ang gusto nyo kasi pinapanood nyo.



Bawat nood nyo binibilang. Nabilang na yung panonood nyo kanina.

Kung ilang taon ka, kung sino ka, at ano ka, bilang na.








Gusto mo man o hindi yung pinapanood mo, importante, nanood ka.

Kaya nanonood ka kasi gusto mo rin makakita ng magaganda at pogi, maski ayaw mo aminin.





Parang yung mga nagbebenta ng, halimbawa, damit sa bangkenta.

Pag walang bumili ng damit, magsasara tindahan o papalitan yung mga binebenta.

Ang ipapalit yung nakaka-akit sa mata at magaganda para madali ibenta.



Kung ayaw mo ng mga nilagay sa loob ng bahay ni kuya, wag mo panoorin.

Pag nanonood ka, galit ka man sa nakikita mo o natutuwa, nanonood ka pa rin.

Yung nood mo, nabilang na yun.



Pag nanood ka at nabilang yung panonood mo, ibig sabihin, nag-ra-rate ung palabas.

Pag nag-rate, madami komersyal.

Pag madami komersyal, yung mga kinokomersyal lumalaki kita kasi binibili mo yung binebenta nila.

Pag madami komersyal ng PBB, malaki din kita nila.


Pag nanonood ka, ibig sabihin may nakukuha ka sa PBB na gusto mo rin makuha.

Yung panonood mo = mataas na ratings = madami komersyal = madami pera para sa ABS-CBN at sa mga kompanyang bumibili ng oras para maglagay ng komersyal = PBB ALL IN No Pangit Edition Part 2 pa rin = Lahat masaya.



Ngayon, alam mo na, sa `yo nanggaling lahat ng kita nila. Kapalit nun, binibigay nila sayo yung gusto mo. Alam nila gusto mo kasi yun ang pinapanood mo.

Kaya mo pinapanood kasi nabubusog ka rin sa binibigay nila. PBB ALL IN Scripted? ba ang tamang tanong?

Di kaya ang mas dapat itanong sa sarili mo, ba't ka nga ba gutom?






0 comments:

Post a Comment

ShareThis

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Share

 

Total Pageviews

Search

Resources

Site Info

CheezMiss Copyright © 2009 Blogger Template Designed by Bie Blogger Template