Moral Lesson #1:
True Love means not having to say:
Kelangan kita.
I want to always be with you;
I can't live without you;
I want to have you;
Sakin ka lang.
Ang love-love-an nagdo-domina.
Si Gary, sinasabing mahal niya si Alvira pero ang intensyon niya talaga i-exploit, abusuhin, gamitin, dominahin siya.
Para kay Gary ganun ang pagkakaintindi niya sa love, wala ng iba. Ang love sa kanya laging may kapalit. Sa tingin nya, tama sya. Yung iba, mali. Yung sumasalungat sa sa kanya nagiging kalaban at kaaway na kelangang iligpit.
Bibigay niya kay Alvira ang lahat: pera, bahay, magandang buhay, pero feeling niya:
"Sakin ka lang kasi wala akong pakielam kung masaya ka, ang importante, ako ang masaya."
Ganun din sya kay Clara, ang pinain naman niya sa anak nya: pera at pagkakaroon ng buong pamilya na kasama si Alvira.
Pero just the same, di niya talaga mahal anak niya. Di niya kayang mag-mahal ng kahit sino.
Ang tingin niya sa lahat ng tao ay mga bagay lang na pwedeng i-manipula para magawa at gawin ang gusto niya. Kaya siya sadista.
At ang mga tao - para sa kanya - mapagkukunan lang ng supply - salapi man eto, atensyon, pag-ibig, pag-hanga, sex, awa, etc.
Pag hindi ito nabigay sa kanya o kung hindi man nya nakuha mula sa taong tina-target niya, paparusahan niya eto, pahihirapan at kung ano-ano pa.
High-level narcissist siya mga ate, kuya. Kung titingnan niyo mga ginawa at sinabi ni Many Gary, swak yun sa
psychological criteria ng taong may NPD.
O diba, PSYCH101 lesson pa ang Mara Clara, bongga!
Kaya ganun ang pakiramdam ni Clara nung sinabi niya: "Sinasabi ni tatay mahal nya ko, pero bat pakiramdam ko mag-isa pa rin ako." kasi eto ang klasik at textbook na nararamdaman ng kahit sinong gumagalaw at nasa ilalim ng galamay ng isang may NPD.
Moral Lesson #2:
Ang true Love hindi attached o obsessed.
Believe it or not, diluted version ni Mang Gary si Christian, Clara at Alvira.
Maski gaano ka-cute, adorable, nice-looking ang tao, nawa'y matandaan nating lahat na ipasa-walang bahala ang kanyang sinasabi, ang kanyang itsura, ang kanyang damit at pansinin lang ang kanyang ginagawa.
Si Christian, sadly, para ring si Mang Gary.
Kasi, look and see, abusive din siya kay Mara.
Noong hindi nagustuhan ni Christian ang reaksyon ni Mara nung nasa school pa sila at niligawan niya ito - kasi sabi ni Mara friends lang daw muna sila - di ba dinedma niya si Mara? Ni hindi niya nga kunyari maalala pangalan niya.
At maski alam niyang naiinis na si Mara sa ginagawa niya, tuloy pa rin siya.
Isa pa, nung kelangang umalis ni Mara sa Maynila at lumipat sa Isla Verde, hindi tumigil si Christian hanggang di niya eto nakikita maski alam niyang pwedeng mapahamak si Mara dahil sa pagpunta niya sa Isla. At ganun nga ang nangyari kasi sinundan siya ni Clara tapos sinundan naman ni Mang Gary si Clara. Pero maski magkakagulo na, di pa rin siya umalis at bumalik sa Maynila.
Wag nyong sabihin na love na love niya si Mara kaya niya nagawa yun kasi hindi yun love. Attachment yun at possessiveness pa.
Kung totoong love ni Christian si Mara, hindi siya matatakot mawala eto sa kanya o makahanap ng iba. Kasi alam niya na hindi naman niya pag-aari si Mara. At nabubuhay si Mara para sa ikabubuti ng buhay niya, hindi para sa kanya. At kung totoong love ni Christian si Mara, hahayaan niya si Mara at magtitiwala siya dito - hinde niya gugustuhing alamin lagi kung nasaan si Mara at di niya pipilitin na isipin siya lagi nito.
Kapag attached ang isang tao sa isang tao, ibig sabihin ginagamit niya lang eto para sa sa sarili niya, wala siyang pakielam sa kapakanan nung isa.
Ang true love may committment hinde attachment. Pag may committment, ang kapakanan ng ibang tao ang pinahahalagahan.
Si Clara - syempre - may shades din ni Mang Gary.
Mahal ni Clara si Alvira kasi mayaman siya. Pag nakadikit siya kay Alvira, kadikit na rin niya ang pera at imahe ng kasosyalan nito.
Attached si Clara kay Alvira tulad ng attached siya sa limpak limpak na pera na nakatago sa ilalim ng kama niya. Sa impluwensya ni Gary, supply din ang tingin niya kay Alvira at umaasa din siya na magkaroon ng buong pamilya (pero etong huli ginagawa niya for display purposes only).
Di rin nakatulong na ini-spoil at sinanay ni Alvira si Clara sa sosyal na lifestyle. Kasi si Alvira, attached din kay Clara. So in fairness, bagay nga silang mag-ina.
Nung huli, nang di makuha ni Clara yung dating "supply" (attention, etc.) na nakukuha niya kay Alvira, kinuha niya ito kay Mang Gary. May bonus pa kasi si Gary meron na ngayong "money."
Si Mang Gary, nung nakita nyang nahihirapan siyang kunan ng "supply" at atensyon si Alvira, kinuha niya ito kay Clara. Kaya di ba nung huling linggo na ng serye aalis dapat sila ni Mang Gary? You and Me Against the World ang kanilang story.
Yung may mga NPD kung magpalit ng tao, parang nagpapalit lang ng maruming damit. Kasi hinde nga tao tingin nila sa tao, gamit lang.
Moral Lesson #3:
Hindi ibig sabihin ng pag-ibig ay bigay ng bigay.
Pa`no ka magbibigay ng pag-ibig sa iba kung di mo alam kung paano bigyan sarili mo?
Ang totoong pag-ibig alam kung paano mahalin ang sarili bago magmahal ng iba.
Pag alam na niya mahalin ang sarili niya, alam na niya kung paano dapat tratuhin ang iba.
Si Susan, si Aling Lupe, si Mara - lalo na nung umpisa - bigay ng bigay sa kung anuman ang gustuhin ni Mang Gary - para tumahimik na lang ba?
Pero tuwing ginagawa nila ito, binibigay nila kay Gary ang power para kontrolin sila, abusuhin sila, gamitin sila.
Yan tuloy, ginawa nga ni Gary yung di nila gusto.
Kasi ugali naman nina Susan at Mara swak sa characteristics ng
classic codependent.
O yung mga nag-Psychiatric Nursing jan, what can you say? Isn't Mara Clara, so bongga ka dey?!
Buti si Mara nagbago nung huli. Lumaban na siya. Sadly, dala pa rin niya yung pagiging codependent ba?
Halimbawa, pinakulong niya nga si Gary pero nagpabugbog naman siya, may matching magmakaawa at paluhod-luhod pa.
Moral Lesson #4:
Ang life parang buhay at batang pasaway.
Uulit siya ng uulit hanggang di natin sya nage-gets.
Papakita niya sa iyo ang dapat mong makita maski ayaw mong tingnan o aminin na nandyan. Pag hinarap mo na ang dapat mong harapin, doon lang siya mag be-behave, doon ka lang niya papakawalan at doon mo lang siya mabibitawan.
Yan ang sagot nung tinanong ni Mara kay Susan: "Baket laging ang daming problema nangyayari satin nay?"
Ano nga ba ang gustong sabihin ng buhay kina Mara at Susan?
Sabi ng life: Mahalin nyo selves nyo girls! I-appreciate nyo selves nyo girls! Walang gagawa nun, hinde si Mayor o kahit sinong Poncho Pilato.
Yan ang regalo sa kanila ng pagkakaroon ng Gary sa life nila. Tinuturuan silang mahalin sarili nila di ayon sa standards ng iba kundi sa standards nila.
Moral Lesson #5:
Ang magandang palabas sa local TV – na sure na susubaybayan – hindi gumagawa ng caricatures kundi character archetypes **"
archetypes are embodiments of behavioural stances that humans have developed over millennia, or are established patterns in nature."
Si Susan at Mara as the
Martyr
Clara as the
Wounded Child
Gary as the
Destroyer
Aling Lupe as the
Mother
Moral Lesson #6:
Good entertainment allows characters to evolve & change.
Parang totoong buhay, nagbabago ang tao depende sa nararamdaman at nangyayari sa kanila sa bawat okasyon. Kudos sa Mara Clara dahil hindi one-dimensional ang mga tauhan. Di tulad ng ibang Heneral dyan.
Di ba si Aling Lupe noong umpisa hate si Mara & Susan pero nung huli naging love na nya silang dalawa?
Si Mara dati passive tapos naging fighter-fighter-an.
Si Clara naman tinubuan ng konsensya - nag-nervous breakdown lang sa huli dahil sa trauma - temporary shock mula sa pagkaka-dis-attach niya kay Mang Gary, saka i-witness ba naman niya itsugi ang kanyang daddy, e di mejo sya na lurky.
Moral Lesson #7:
Good local entertainment is culturally correct..
..hinde yung mga konsepto na kinuha, hiniram sa mga palabas ng ibang bansa na ginupit gupit lang at dinikit AT pinilit ikasya sa local Philippine TV.
Ang kwento ng Mara Clara kuha mula sa mga kwento ng kapitbahay natin, pamilya natin, kamag-anak, barangay, komunidad at balita sa radyo, dyaryo at TV.
Of course Mara Clara is not perfect but it is sensibly entertaining & true to the Filipino's perfectly flawed & evolving culture.
Kaya na-nominate sya sa
Banff World Media Awards sa kategoryang
Best Soap Operas and Telenovelas.
Wha did i tell ya?! Di lang pang-local, pang-International pa! Confeermed, Mara Clara is so Bongga talaga.
